Wednesday, July 27, 2011

FACTS AND LEGAL QUESTIONS GIVEN TO THE HON. CONGRESSMAN RECOM ECHIVERRI DURING THE CONGRESSIONAL INQUIRY IN AID OF LEGISLATION HELD AT THE CHAPEL OF PANGARAP VILLAGE, CALOOCAN CITY.

PART TWO: FACTS AND LEGAL QUESTIONS 

Maari bang I-verify ng Kongreso kung sinu-sino among title holders under PD 293 ang mga dati at kasalukuyang nasa gobyerno ang actual and not actual residents of Pangarap Village upang malaman if there is a violation of Act 1120 and CA 32? May kagagawan ba ang ilang mga taong ito na kasalukuyang nasa gobyerno sa pagkakagulo sa implementasyon ng SC decision? MAGUGULAT KAYO KUNG SINO-SINO SILA!

Maari bang malaman kung sino sa mga ito ang hindi actual na nanirahan sa kanilang lote at sa halip ay ibinenta ito sa ibang tao? Na-violate ba nito ang CA 32 at Act 1120?

Kung si Tuason ang nanalo sa SC, at ang aking bahay ay nasa lupang pag-ari ni Tuason, may karapatan ba si Carmel na ako ay sampahan ng ejectment case?

Maari bang imbistagahan ang sinabi ng Tuason at ang iba pang lot buyers sa SC na sila ay actual na nanirahan sa Pangarap?

Bakit hanggang ngayon, sa loob ng mahabang panahon, ang gobyerno particular na ang LMB, LRA, RD, ay hindi kumikilos upang lutasin ang suliranin sa lupa ng Pangarap? May kinalaman ba ang ibang empleyado nila na may titulo at may interest sa Pangarap?

SINO-SINO SA RD, LMB ANG NAGMAMAY-ARI NG LUPA SA PANGARAP SA ILALIM NG ACT 1120 AT CA 32? SINO-SINO RIN SA KANILA ANG HINDI ACTUWAL NA NANINIRAHAN SA MGA LOTENG ITO? MAGUGULAT KAYO! KAYA BA MAY DELAY SA REPORT NG LMB? KAYA BA MAGULO ANG GINAGAWA NG RD? ISANG MALAWAKANG IMBESTIGASYON LAMANG SA PAMAMAGITAN NG CONGRESSIONAL INQUIRY IN AID OF LEGISLATION AT HINDI ANG KASALUKUYANG PETITION FOR REVERSION ANG SOLUSYON DITO, DI PO BA?

Sinu-sino ba ang malalaking personalidad na bumubuo ng Carmel Farms, Inc.? At sinu-sino naman ngayon ang mga Incorporators ng bagong Carmel Devt, Inc.? MAGUGULAT KAYO!

Bakit nagawang makapag-eject si Carmel sa unang 15 malalaking bahay na nagiba gayong ang unang requirement para sa Ejectment Case ay ang resibo ng pagbabayad nito ng buwis (amellar) at kailan man ay wala siyang proof of payment ng amellar (di nagbabayad ng amellar) ayon na rin kay Caloocan City Mayor Malonzo?

Bakit nagmamadali ngayon si Mayor Rey Malonzo para sampahan ng Warrant of Levy (singilin ng Amellar) si Carmel? Hindi kaya lalong lalakas ang kanyang “proof of possession” sa Pangarap? 

KUNG HINDI KAAAGAD MATUTUGUNAN ANG MGA KAHILINGANG ITO, AT MASASAGOT ANG MGA KATANUNGANG ITO SA PROPER FORUM (CONGRESS), IPAGDASAL NYO NA LAMANG KAMI SA PANGARAP AT HINDI NA KAMI TATAGAL SA LAKI AT DAMI NG AMING MGA KALABAN SA LUPA.

DINGGIN PO NINYO ANG AMING PETITION FOR A FULL BLOWN INVESTIGATION THRU A CONGRESSIONAL INQUIRY IN AID OF LEGISLATION.

No comments:

Post a Comment